this post was submitted on 20 Aug 2023
12 points (100.0% liked)
Philippines
1609 readers
16 users here now
Mabuhay at maligayang pag-alis sa Lemmy! ✈️
An abandoned community for the Philippines and all things Filipino! 🇵🇭
Started out as a Reddit alternative during the blackout from Jun 12-21, 2023 with over 1k members in just a few days. Fizzled faster than the "I Didn't Do It" kid after a month until it became the internet's Centralia in less than a year.
Filipino artists whose works were featured on our daily random thread covers.
founded 1 year ago
MODERATORS
you are viewing a single comment's thread
view the rest of the comments
view the rest of the comments
Ang daming dapat iprocess sa Third World Romance, kahit pa sabihin nating medyo preachy sya at overly explained na. Example yung linyang, "pinakaimportante, pinakasimple pero mahirap yung maging masaya." Nag effort talaga yung creatives to downplay the drama whenever possible. Like dun sa 1st breakdown scene ni Charlie, sinabayan ng nagvibideoke na wala sa tono. Malayo yung shot, hindi yung cliche close up habang nag wawalling. Funny pa kasi humihigop ng cup noodle. Gutom is real.
May confrontation scene pa while serving the customers at sinabayan pa ng Angelus so nagpause sa sagutan para magdasal. Minsan inconvenient talaga ang religion, actually madalas. The devil is in that detail.
Feel good at escapist movie sya. Fine. Kasi nga mahirap maging masaya. Every chance you get is win kahit may pagka delulu na. Ang hindi lang happy ending ay di naparusahan yung isang kapitalista. Wala naman yata nakapansin.
Plus panalo talaga aktingan ni Charlie. Yung mata-mata acting sa pagbukas ng shoebox, ang daming subtext. Dun sa last scene, gusto ko talaga yung marunong magtimpla ng tawa, iyak at kilig sa isang bagsakan lang. I think mas challenging yun sa mata-mata acting.